Pro-Corona judges takot kay Morales

KAY haba ang litanya ni Senator-Judge Miriam Defensor Santiago tungkol sa kapangyarihan ng Ombudsman.

Ang gusto lang palang sabihin ni Miriam ay walang kapangyarihan allegedly ang Ombudsman sa mga senador, among others, na mag-usisa ng kayamanan ng mga mambabatas.

Mukhang takot si Miriam na mausisa ang kanyang kayamanan at kanyang mga deposito sa bangko, dollar man o peso, kaya mahigpit niyang tinututulan ang testimonya ni Ombudsman Conchita Carpio Morales laban kay Chief Justice Renato Corona.

Birds of the same feather flock together, sabi nga ng iba.

Sa ngayon ay may sapantaha na tayo kung sino ang boboto para manatili si Corona sa Supreme Court. Sila ay sina Pia Cayetano, ang kapatid ni-yang si Alan Peter Cayetano, si Bongbong Marcos at siyempre, si Miriam Santiago.

Kinakabahan din si Senador Gringo Honasan dahil baka imbestigahan rin siya ni Ginang Morales tungkol sa money laundering. Pero siyempre, kung saan panig si Presiding Judge Juan Ponce Enrile, doon din panig si Honasan.

Tungkol naman kay Senador Joker Arroyo, sure ball na kakampi kay Corona si Joker.

Ang lakas yata ni congresswoman Gloria Macapagal Arroyo kay Joker.

Sa simula’t simula pa lamang naman ay pro-Corona na ang mga senator-judge na ito, lalo na sina Joker at si Miriam.

Alam naman ng lahat na si Miriam ay dating cabinet member ni dating President Cory Aquino. Ang dalawa ay hindi nagkasundo at ang resulta ay nasibak si Miriam ni Cory.

Ang nakapagtataka ay si Joker. Die hard fanatic kay Cory si Joker pero bigla siyang naging pro-Gloria at anti-PNoy.

‘Iba naman ang kaso ng mga magkapatid na Cayetano. Mala-lim ang hidwaan noon ng tatay nilang si namayapang Senador Renato Cayetano at sina Senador Franklin Drilon at Ed Angara.

Nang mapatalsik si namayapang Cayetano sa law office nina Drilon at Angara, ang sumaklolo sa kanya ay si Manong Johnny Enrile.

Si Enrile ang nagbigay ng puhunan kay namayapang Cayetano sa kanyang bagong law office.

Nagkagalit later on sina Cayetano at si Enrile.

Lahat na yan ay may epekto siyempre sa impeachment trial ni Corona.

Pero paano naman ang bayan? Itinanong mo pa!

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply