Producer ng Eat Bulaga ipinababasura ang P2.1M counter suit ng misis ni Jose Manalo

IPINADIDISMIS ng prodyuser ng “Eat Bulaga” sa Quezon City court ang P2.1 million counter suit na isinampa ng misis ni Jose Manalo dahil sa umano’y pagpalya nitong patibayin ang kanyang pahayag na ang kaso na naunang isinampa laban sa kanya ay “malicious and oppressive.”

Hiniling din ng Television and Production Exponents (TAPE) Inc. sa korte na ibasura rin ang hinihingi ni Anna Lyn Manalo, asawa ni Jose Manalo, na danyos sapagkat hindi niya binayaran ang kinakailangan na docket fees.

“At any rate, defendant’s assertion that the filing of the complaint is malicious, oppressive and has no basis in law and in fact is unsubstantiated as defendant failed to present any logical argument to support her claim,” pahayag ng abogado ng TAPE na si Atty. Nestor Leynes III.

Nagsumite ang naturang TV show producer kay Judge Luis Cenon Maceren ng Quezon City Regional Trial Court Branch 218 ng kanyang kasagutan sa counter-claim suit ni Anna Lyn na hiniling nito sa korte na bayaran siya ng P2.1 million in damages.

Ito ay matapos magsampa ang TAPE ng isang petition for injunction with damages para mahinto ang paglapit o pagkontak ni Anna Lyn sa kanyang mister na si Jose na ibinulgar ng TAPE na hinaharas niya simula pa noong Nobyembre 2011.

Bumirit naman si Anna Lyn at inakusahan ang TV producer ng ipinagtatanggol ang kanyang mister, na nagresulta para makatakas sa obligasyon sa kanya at sa kanilang mga anak.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply