Produksyon ng (GMO) eggplants ipinahihinto

MAKARAANG magpalabas ng writ of kalikasan ang mataas na hukuman ay agad na iniutos ang pagpigil sa produksiyon ng itinuturing na mapanganib na genetically modified (GMO) eggplants.

Pinasusumite ng verified return of the writ of kalikasan ng Supreme Court ang Environmental Management Bureau ng Department of Natural Resources, Bureau of Plant Industry; Fertilizer and Pesticide Authority ng Department of Agriculture, UP Los Baños Foundation, Inc., UP Mindanao Foundation, Inc. at ang International Service for the Acquisition of Agri-Biotech Applications-Southeast Asia Center, alinsunod na rin sa full court ruling na isinagawa kanina.

Kabilang sa tumututol sa genetically modified eggplant ay sina Leo Avila,  Davao City Agriculturist, Atty. Maria Paz Luna, dating Senator Orly Mercado at Greenpeace Southeast Asia Executive Director Von Hernandez.

Ayon sa mga petitioner, ang GMOs ay mapanganib sa kalusugan ng tao at kung hindi pipigilan ng Korte Suprema ay malalantad sa panganib ang 500 pang variety ng talong at iba pang kauri nito.

Bukod dito, hindi pa aprubado ang GMO Bt talong at hindi pa nasusubukan sa bansa.

Mahigpit naman ang kautusan ng Supreme Court na hindi dapat lumampas sa loob ng sampung araw ang paghahain ng verified return of the writ of kalikasan ng mga respondent.

Ipinaliwanag ng SC na ang kautusan ay naaayon sa probisyon ng Section 8, Rule 7 na itinatakda ng Rules of Procedure for Environmental Cases…”

Sa SC ruling na nilagdaan ni Clerk of Court en banc, Enriqueta Vidal, dapat sa loob ng limang araw  ay makapaghain ang mga petitioner ng malinaw na duplicate original copy o certified true copy ng memorandum of undertaking.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply