Professional bugaw ng showbiz ibinulgar ni Joey de Leon

GINULAT kami sa sanib-pwersa ng mga beterano at tunay na talentadong showbiz hosts tulad nila Joey de Leon, Edu Manzano, Arnel Ignacio, Gelli de Belen at ang baguhang si Shalani Soledad-Romulo para sa isang napipintong Sunday noontime show na magsimula sa darating na June 17.

Bago sinampolan ang bagong noontime TV show ng TV5 na pinamagatang “Game ‘N Go” sa set mismo sa bagong studio nila sa kinatatayuan ng dating Delta Theater, along Quezon Ave., nakaututang-dila namin si Joey De Leon sa isang mesa to whom we shared a sumptuous catered lunch with as usual.

Parang reunion ang nangyari dahil halos kasabayan na niya sa showbiz ang naroroon sa nasabing mesa tulad ng walking showbiz historian na si Alfie Lorenzo, ex-PMPC prexy na si Vero Samio, Rowena Aguilada, etc. Napunta ang usapan sa mga intriguing showbiz characters na nagkamatayan na rin. Akala mo nagko-comedy pa rin siya.

Isa nito ay walang habas na pinangalanan ni Joey, patungkol sa isang male radio broadcaster na namamayapa na (na-stroke ata) kamakailan lang na naging professional bugaw ng isang buhay na buhay na iconic movie producer ng mainstream movie industry. What a memory to recall. Walang blind-item-item para kay Joey.

Talagang alam ni Joey del Leon ang likaw ng bituka ng mga high profile sa showbiz then and now. Ang mga ito raw ay nakalista sa kanyang libro na gagawin in the immediate future. Joey will then have his last word. As of now, happy siya doing his column for Philippine Star broadsheet kung saan all of his writings are done in a “twelve-syllable” style always at walang patid yan sa every issue.

Sa sandamakmak na TV shows ni Joey, what excites him sa Game ‘N Go?“ The big difference is that kaming lahat nila Edu, Arnel, Gelli at Shalani ay kasama sa conceptualization nito kaya gamay na gamay namin ang kaluluwa ng show na ito. Andito na lahat dahil siksik ito sa mga rekado na bubusog sa buong pamilya. Bukod sa pagiging isang variety show, isa din itong game show at comedy sketch show.”

Nung naka-one-on-one naman namin ang isa pang kasabayan namin sa showbiz ang beterano sa pagho-host na si Edu Manzano, ay walang habas rin ang excitement niya sa “Game ‘N Go” dahil nga for the first time ay makakasama niya sa trabaho ang iconic Joey De Leon na hinahangaan niyang sobra dahil sa talent nito sa pagho-host at pagpapatawa, proof of which nga ay ang hindi mabuwag-buwag na “Eat Bulaga” at iba pa niyang programa.

Sabi pa ni Edu, “Bukod sa masasayang mga laro at mga nakakatawang contestants dapat ding abangan ang mga mala-concert na live musical performances at sketches ng mga celebrity guests.”

Si Arnel Ignacio namay ay equally excited dahil sa palagay niya macha-challenge sobra ang kanyang talent bilang singer at bilang gradwado ng music sa UP sa “Game ‘N Go.” Sabi kasi ni Arnel na kadalasan nagmumukha siyang tanga sa mga shows na hino-host niya dahil nga hindi naman naa-approximate ang kanyang talent sa mga shows na ibinibigay sa kanya. Sobrang taas ng expectation ni Arnel sa kanyang sarili para sa show na ito.

Ayon pa kay Arnel, “Kombinasyon ng tapang, talino at swerte ang kinakailangan ng mga sasali sa ‘True or Fall,’ samantalang mapapatili sila sa pagkanta sa ‘Singgaling Go.’ At tunay na hamon naman ang paggalaw sa loob ng ‘Yugyug Tube’ habang kakaibang kendeng naman ang kinakailangan upang malagpasan ang ‘Face It.’”

Ayon sa head ng Entertainment at Creative na si Percy Intalan, “Ang ‘Game ‘N Go’ ay binubuo ng original na palaro tulad ng ‘True or Fall’, ‘Singgaling Go’, ‘Yugyug Tube’, ‘Pritong Pares’, ‘Game N GOcery’ at ang sikat na international game na ‘Face It’”

Ang mga sasaling miyembro ng studio audience at mga home viewers ay magkakaroon ng pagkakataon na manalo ng limpak-limpak na premyo. Isama n’yo na po ang buong pamilya simula Hunyo 17, 12:30 pm sa TV5.”

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply