Prosekusyon ipinagdarasal ang paggaling ni Corona

TAIMTIM na panalaNgin ang iniaalay ngayon ng prosekusyon  kaugnay sa agarang recovery ni Supreme Court Chief Justice Renato Corona na nakaratay sa karamdaman sa Medical City.

Ayon kay Congressman Erin Tañada, isa sa mga spokesman ng prosecution, nagdarasal sila na walang malubhang mangyari sa punong mahistrado na patuloy na inoobserbahan sa pagamutan.

Sinabi ni Tañada na sila ay naka-antabay sa medical bulletin na ilalabas ng The Medical City hinggil sa kondisyon ni Corona na ngayo’y nasa intensive care unit (ICU).

Kaugnay nito, tumulak na sa Medical City ang medical team ng Senado para sumuri sa tunay na kondisyon ni Corona.

Alas-9:00 kaninang umaga, umalis ng Senado ang medical team na binubuo ni Dr. Marianito Blancia at dalawang nurses patungong  Medical City.

Inaasahang bago magsimula ang impeachment trial mamayang alas-2:00 ng hapon ay makapagsu-sumite ng report ang medical team hinggil sa kondisyon ng punong mahistrado.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply