Prosekusyon naghahanda sa pagharap ni Corona

MAGPUPULONG hanggang sa Lunes, Mayo 21 ang prosecution panel upang plantsahin at paghandaan ang magaganap na cross examination kay Chief Justice Renato Corona sa Martes, Mayo 22.

Isa sa tatalakayin ay kung sino sa mga 11-man prosecution team ang magsasagawa ng cross examination o kung magmumula sa mga private prosecutors.

Pag-uusapan din kung ano ang magiging estratehiya sa pagtatanong kay Corona.

Sa isang press briefing ngayon, sinabi ni Aurora Rep. Sonny Angara na kokonsultahin din ang mga lider ng Kamara hinggil sa naturang usapin.

Aminado si Angara na hindi maaaring dalawa o tatlong prosecutor lang ang gigisa kay Corona pero ang pagpili ay pag-uusapan pa ng panel.

Nang tanungin si Angara kung ano ang gusto niyang itanong kay Corona ay sinabi niyang “ano ang ilalagay mo sa SALN if you can turn the clock.”

Sa panig naman ni House Deputy Speaker Erin Tañada, na depende na rin aniya sa depensa kung magtatagal o hindi ang pagsalang ni Corona.

“Hindi natin alam ang kondisyon ng ating punong mahistrado. The ball is with the defense.”

Ayon kay Tañada, kung siya naman ang tatanungin, ang gusto niyang ipasagot kay Corona ay “How many bank accounts do you have, in both peso and dollar account.”

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply