Prosekusyon nagsimula na sa kanilang closing argument

SINIMULAN na ngayon ng House Prosecution Panel ang kanilang closing argument.

Si Iloilo Rep. Neil Tupas ang unang nagsalita sa panig ng prosekusyon at binanggit niyang “we meant not to destroy a man, but to destroy the evils that plague our system. We do not rejoice over the fact that in the process, deep wounds were inflicted.”

Unang kinuwestyon ni Tupas ang “moral fitness” ni Chief Justice Renato Corona na dapat aniyang matugunan batay na rin sa kapasiyahan ng mga senator-judge.

Dahil sa tibay aniya ng mga ebidensyang inihain ng prosekusyon para sa Article 2, 3 at 7 ay minarapat nilang huwag ng ipresenta pa ang Articles 1, 4, 5, 6 at 8 na nilagdaan ng may 188 na kongresista.

“Dahil sa tatlong articles pa lang po, kumbinsido na kami at alam naming kumbinsido na ang taumbayan na hindi karapat-dapat manatili sa pwesto si Renato Corona bilang Punong Mahistrado ng ating bansa,” ani Tupas.

Aniya, ang impeachment na ito ang nagpalutang sa katotohanan na nagsinungaling umano si Corona sa kaniyang statement of assets, liabilitis and net worth (SALN) upang itago ang kanyang mga yaman.

“It has led us to the truth that he lied about his assets in his SALN to conceal his enourmous wealth,” paliwanag pa ni Tupas.

Binanggit pa ng kongresista ang ginawang pag-amin ni Corona sa tatlong peso accounts na may depositing P80.7 million at apat na dollar accounts na may depositing $2.4 milion.

Sa pag-i-impeach aniya ng Kamara sa punong mahistrado, ito ay bilang pagtupad lamang sa isang gampanin ng isang kongresista na maging mapagmatyag at panatilihin ang tiwala ng taumbayan.

“No matter what the outcome will be, we know in our hearts that we have contributed to the betterment of our nation. This impeachment is not so much about Renato Corona but is more about setting aright that which is wrong.”

Sa huli ay hinikayat ni Tupas ang mga senador na magpasiya dahil naghihintay ang taumbayan anumang ang hatol.

“Let us decide in favour of truth and greatness. Let us be done with Supreme Court Chief Justice Renato Corona,” pagtatapos pa ni Tupas.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply