Prosekusyon pinalagan ang ‘shame on you campaign’ vs 188 solons na lumagda sa impeachment

INIAANGAL ngayon ng prosekusyon ang diumano’y ‘shame on you’ campaign laban sa 188 na kongresista na lumagda sa article of impeachment dahil sa pagtangging lumagda ng mga ito sa waiver.

Ayon kay Marikina Rep. Miro Quimbo, nakarating na sa kanila ang naturang impormasyon kung saan sinabi niyang posibleng ang kampo diumano ni Corona ang nasa likod nito.

Nauna rito, hinamon  ni Chief Justice Chief Justice Renato Corona, kasabay ng kaniyang paglagda sa waiver na nagbibigay pahintulot na mabulatlat ang kaniyang peso at dollar accounts sa kondisyong pipirma din ang may 188 na kongresista kabilang si Senador Franklin Drilon.

Pero hindi naman daw nababahala ang prosekusyon at sa katunayan ay hinihintay nila kung paano sila babakbakan ng mga “kalaban.”

Kumalat diumano na may isang grupo raw ng mga mambabatas at mga miyembro ng interfaith religious groups ang nagpa-plano ng “shame on you campaign” laban sa 188 na kongresista at Drilon dahil sa pagtanggi ng mga ito na harapin ang waiver challenge ni Corona.

Samantala, lumagda na sa waiver si KALINGA Partylist Rep. Abigail Ferriol samantalang nagpahayag ng kahandaan na lumagda sila San Juan Rep. JV Ejercito, APEC Partylist Rep. Ponciano Payuyo, ACT partylist Rep. Antonio Tinio, Pangasinan Rep. Kimi Cojuangco, Negros Occidental Rep. Alfredo Benitez at Laguna Rep. Maria Evita Arago.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply