Prosekusyon sumugod sa Malakanyang

INAMIN ng Malakanyang na sinugod kamakalawa ng gabi ng mga miyembro ng prosekusyon si Pangulong Benigno Aquino III matapos mahatulan ng guilty sa paglabag sa Article 2 ng Articles of Impeachment si Supreme Court Chief Justice Renato Corona.

Sinabi ni Deputy Presidential spokesperson Abigail Valte na hindi ito kasama sa iskedyul ng Chief Executive subalit mainit na tinanggap ng Punong Ehekutibo ang mga nagsidatingang personalidad sa Malakanyang.

“No, it was not included in the schedule because it was unplanned. The members of the prosecution, including the private prosecutors, members of the secretariat and staff were received by the President in an impromptu call last night. President Aquino met most of them for the first time and thanked them for volunteering to help,” anito.

Nauna rito, naniniwala ang Malacañang na lalo pang napalakas ang mga democratic institutions sa pagkaka-convict kay Corona.

Si Corona ay isa lamang mukha ng mga problemang kinakaharap sa justice system ng bansa.

Aniya, pinapatunayan ng impeachment trial na walang mahirap at walang mayaman sa pagkamit ng hustisya.

Ang conviction umano sa punong mahistrado ay isang hakbang sa pagpapanumbalik ng tiwala ng taongbayan sa korte at mga miyembro ng hudikatura.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply