Protesta vs Calixto ibinasura ng Comelec

IBINASURA ng Commission on Election (COMELEC) ang protesta laban sa alkalde ng Pasay na si Mayor Antonio “Tony” Calixto na isinampa ni dating Congresswoman Consuelo “Connie” Dy.

Bumuo ang COMELEC ng 7 recount committee na humawak sa muling pagbilang sa 74 clustered precincts na inilahad ni Dy,  kung saan nagresulta sa 9 na karagdagang boto kay Dy at pananatili ng boto kay Calixto.

Ayon sa COMELEC, hindi gaanong matibay ang mga ebidensyang ipinahayag ni Dy para sa nasabing protesta, na kung saan sinabi niyang nagkaroon ng problema sa mga ginamit na PCOS machine.

Isinaad din nito na walang anumang iregularidad o katiwaliang naganap sa isinagawang muling pagbibilang ng mga boto.

Ipinahayag naman ni Calixto ang kanyang pasasalamat lalo na sa COMELEC sa naturang desisyon nito at pagpapahalaga sa mga botante ng Pasay.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply