Public schools, bargain centers iinspeksyunin ng DepEd, DTI

NAGSIMULA nang busisiin ng mga awtoridad ang mga pampublikong eskuwelahan at maging ang bargain centers para matiyak ang kaligtasan at kalusugan ng mga mag-aaral sa pagbubukas ng klase sa Hunyo.

Naglilibot na ang mga tauhan ng Department of Trade and Industry (DTI) sa Divisoria para alamin ang presyo ng school supplies at i-verify ang report hinggil sa nakalalasong kemikal umano na nasa ibang items na mabibili roon.

Kabilang naman sa nainspeksyon na ng Department of Education para sa Oplan Balik Eskuwela ay ang Ramon Magsaysay National High School sa Quezon City.

Ayon sa DepEd, layunin nila na makita kung anu-anong mga pasilidad sa mga public school ang kailangan pang i-repair gayundin ang kahandaan ng mga guro.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply