Publiko kinalma ng PAGASA sa ‘supermoon’ bukas

PINAWI ngayon ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang pangamba ng publiko na magkakaroon ng pagbaha, paglindol o pagputok ng bulkan kasabay ng tinatawag na ‘supermoon’ na magananap bukas (Mayo 6).

Sa panayam kay Rex Guerrero, weather observer ng PAGASA, ipinaliwanag nito na ang supermoon ay isang phenomenon na magkasabay ang paglabas ng full phase ng buwan sa pinakamalapit na distansya nito sa mundo.

Dahil dito, lalakas ang gravity nito na tatama sa mundo at ito ay posibleng magresulta sa pagtaas ng kati ng tubig.

Hindi masasabi ng PAGASA kung gaano kalaki ang itataas ng kati ng tubig subalit tiniyak ni Guerrero na hindi lilikha ng pagbaha.

Sa supermoon, nasa 16 porsyento na mas malaki sa ordinaryong mga araw ang mukha ng buwan na makikita at 30 porsyento na mas maliwanag.

Ito ay mangyayari ng 11:35 ng umaga bukas subalit makikita sa Pilipinas ng alas-6:29 ng gabi kasabay ng paglabas ng buwan at masasaksihan ito hanggang sa madaling araw.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply