Pulis itinumba sa harap ni misis

DEAD on the spot ang isang kagawad ng pulisya matapos barilin ng riding in tandem sa Zamboanga City.

Sa police report, naganap ang pananambang bandang alas-11:00 ng umaga sa Falcatan Drive, Barangay Tetuan sa siyudad ng Zamboanga.

Ayon kay P/Chief Insp.  Elmer Acunia, hepe ng Tetuan Police Station, daglian ang naging kamatayan ni PO1 Ashri Nuh Naruddin, 35, nakatalaga sa isang police station sa probinsya ng Basilan.

Lumalabas sa imbestigasyon na sakay ng PUJ ang biktima kasama ang kanyang asawa nang sumulpot ang dalawang salarin na nakasakay sa isang motorsiklo at binaril ito.

Isang tama ng bala ng kalibre .45 sa ulo ang agad tumapos sa buhay ng biktima.

Kaugnay nito ay inalerto na ni Zamboanga City Police director C/Supt. Mario Yanga ang kanyang mga tauhan sa iba’t ibang mga police station at iniutos ang mahigpit na checkpoint upang agad masukol ang mga salarin.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply