Pulis-Maynila tumba sa boga

PATAY ang isang pulis Maynila matapos barilin ng hindi nakilalang suspek habang hinihintay ang kanyang kaibigan kagabi, May 19, sa Malate, Maynila.

Ang biktima ay nakilalang si PO1 Anthony dela Cruz, 35, nakatalaga sa District Special Support Unit (DSSU) ng Manila Police District (MPD) at residente ng Navotas City .

Inaalam naman ang pagkakakilanlan sa suspek na tumakas matapos ang pamamaril.

Sa report, alas-9:30 kagabi nang naganap ang insidente sa Balingit St., Malate, Manila.

Sakay ang biktima ng kanyang itim na Star motorcycle (UQ 1359) habang hinihintay ang isang kaibigan nang lapitan ng suspek at walang sabi-sabing binaril.

Inaalam na ang motibo sa krimen.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply