Pulis na timbog sa droga protektado

KASAMA sina Neil Estrada at Mark Ellano, huli ng PDEA operatives sa akto na gumagamit ng droga si PO1 Michael Panuga sa kanilang drug den sa Tulio St., Bgy. Sta. Rita, Olongapo City noong gabi ng Mayo 12, 2012.

Sina PO1 Albert Sagcal at Agent William Dulay ang nag-operate laban sa grupo sa pamamagitan ng pagpapanggap na mamimili ng droga.

Nadisarmahan agad si Panuga at Estrada na may sukbit na 9mm at .45 cal. Pistols, ayon sa pagkakasunod, at na-recover rin ang apat (4) na sachet ng shabu sa grupo.

Nagtaka naman si Assistant City Prosecutor Ria Nina L. Sususco na nang dalhin sa kanya ang mga suspect para sa inquest, hindi isinama ang pulis na si Panuga na in-custody umano ng hepe nitong si Sr. Inspector Gerard Fernandez.

Magkagayunman, sinampahan ng kaso ni Prosecutor Sususco na paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 sina Estrada at Ellano samantalang si Panuga ay inirekomenda nitong sampahan din ng kaso.

Tanong: Bakit hindi isinama sa inquest ang pulis na nahuling nagdo-droga kasama ang dalawang iba pa na nagtutulak rin ng droga?

Tanong pa: Bakit hinahayaan lang ni Olongapo Police City Director Christopher Tambungan na i-custody na lang ni Sr. Insp. Fernandez si Panuga sa halip na paharapin ito sa proseso ng batas?

Tanong pa ulit: Ano ang ginagawa ni Mayor Bong Gordon sa paglala ng gamitan at bentahan ng droga sa lungsod na dapat sana ay pinangangalagaan niya bilang pinakamataas na opisyal nito?

Ito Ang Totoo: May problema sa hanay ng kapulisan ang Olongapo mula sa ranggo ng PO1 tulad ni Panuga hanggang sa hepe nitong si Tambungan na tadtad ng kaso.

Talagang bulag na si Gordon sa mga pagkukulang at kalabisan ni Tambungan dahil sa tinatanaw na halalan kung kailan kailangan daw niya ito.

Dapat na talagang makialam si PNP Chief Director-General Nicanor Bartolome rito. Ito Ang Totoo!

***

Ipaabot sa Ito Ang Totoo sa pamamagitan ng txt ang inyong mga mensahe sa cp no. 09994001162 o sa Facebook http://www.facebook.com/pages/Ito-Ang-Totoo-Remate/143876209055760

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply