Pumatay sa anak ng Cebu mayor, tiklo sa Bohol

NAKUWELYUHAN na ng pulisya ang lalaking bumaril at nakapatay sa anak ng Carcar City mayor sa Cebu province na mahigit dalawang linggo na ang nakararaan.

Ang suspek na si Jimboy Leo Lauron, 25, nahuli sa bahay ng kamag-anak sa Bohol province ay iprinisinta ng Carcar City Police Office sa mga miyembro ng media nitong Huwebes ng hapon, Mayo 17.

Bagama’t inamin nito na siya ang bumaril sa biktimang si Carl Vinson Apura, 24, anak ni Carcar City Mayor Nicepuro Apura sa isang disco concert noong Mayo 13, pero itinanggi nito na miyembro siya ng Tau Gamma fraternity, karibal ng Alpha Kappa Rho na ang biktima ay kaanib na miyembro.

Sa salaysay ni Lauron, nakasagutan niya ang binatang Apura sa isang disco concert at nagalit ito sa kanya dahil mas magaling siyang sumayaw kaysa sa biktima.

Sinabi rin ni Lauron na hindi niya alam na anak pala si Apura ng mayor ng Carcar City.

Hindi naman idinetalye na ng pulisya kung paano binaril ni Lauron ang biktima at maging kung paano naman nahuli ang suspek.

Nahaharap sa kasong murder ang suspek at ngayon ay nakakulong sa Carcar City Police Office.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply