Pumatay sa sariling kapatid, nagbigti

DAHIL nakunsiyensya, nagbigti sa punongkahay ang isang lalaki matapos tagain ang kanyang sariling kapatid sa Pangasinan, kagabi (Abril 30).

Sinabi ng Agno PNP, na malamang na konsiyensya ang suspek na si Johnny Sagun, 25-anyos sa Agno, Pangasinan kaya nagbigti ito sa Ipil-ipil na ilang metro ang layo sa bahay nito.

Nakaratay naman sa ospital sanhi ng mga taga sa iba’t ibang parte ng katawan ang biktimang si Alejandro Sagun, nakatatandang kapatid ng suspek.

Sa ulat ng Camp Crame, naganap ang insidente dakong alas-9:30 kagabi sa bahay ng magkapatid.

Bago ito, nag-iinuman ang magkapatid sa kanilang bahay at nang malasing ay naungkat ang dating alitan na humantong sa paghahamon ng away.

Pero dahil mas malaki ang kalaban, kumuha ng itak ang suspek at initak ang biktima bago tumakas.

Ilang oras ang nakalipas, natagpuang nakabitin ang katawan ng suspek sa naturang puno.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply