Puting bulaklak inalay ng mga kaanak ng mga biktima ng MV Princess of the Stars

NAGHAGIS ng mga puting bulaklak sa Manila Bay ang mga kaanak  ng mga biktima bilang paggunita sa ika-apat na taong anibersaryo ng trahedya sa paglubog ng barkong MV Princess of the Stars sa Sibuyan Island, Romblon.

Nagtitirik din ng apat na kandila sa baywalk ng Roxas Boulevard sa Maynila at nag-alay din ng mataimtim na panalangin  para sa mga yumaong pasahero ng lumubog na bapor.

Pinangunahan naman ni running priest Robert Reyes  ang “Takbo Para sa Pag-alala” kasama ang mahigit na 100 runners na kinabibilangan  ng mga kaanak ng mga biktima na nanggaling pa sa mga lalawigan, United Filipino Seafarers, Philippine National Police, Philippine Coast Guard at Public Attorneys Office.

Ayon kay Reyes, kada linggo ay may aktibidad sila upang ipaabot sa pamahalaan na sa apat na taon na nakalipas ang trahedya, hindi pa rin nila nakakamit ang katarungan.

Sa 155 na katawan ng mga biktima na narekober ng mga awtoridad, kakaunti pa lamang din, anila, ang nakikilala.

Habang ang mga barko ng Sulpicio Lines, anila,  na nagmamay-ari ng MV Princess of the Stars  ay muli  nang nakapaglalayag gamit ang bagong pangalan na Philippine Asia Carrier Corporation.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply