PUVs na walang markings may multa na

MAY nakahanda ng kaparusahang ipapataw ang Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB) sa mga may-ari ng public utility vehicles (PUVs) na hindi susunod sa regulasyon ng ahensiya hinggil sa paglalagay ng bagong markings sa kanilang mga sasakyan.

Nakapaloob sa ilalim ng Circular 2012-008, na bawat Public Utility vehicles ay kinakailangang may markings ng “May reklamo ka ba?  Itawag sa LTFRB sa 426 2515 at 448 7777 na nakasulat sa bandang kanan o kaliwang bahagi ng windshield ng pampasaherong bus, UV express, tourist at shuttle services.

Ang iba namang pampasaherong sasakyan tulad ng jeep at taxi ay kailangang ilagay ang naturang markings sa may hood ng sasakyan.

Dahil dito, magkakaroon na ng pagbabago dahil hindi na makikitang nakasulat ang katagang “hows my driving” na may kaakibat na cellphone number sa likurang bahagi ng mga pampasaherong sasakyan kung kaya bagong markings na ang makikita sa mga PUVs.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply