QC Jail nagtayo ng ward sa presong may TB

UPANG hindi na nakahawa pa sa iba, nagtayo ng isang bagong infirmary ward ang Quezon City Jail para mapaglalagyan ng mga presong may mga sakit na tuberculosis o TB .

Pinasinayaan kahapon ni Interior and Local Government Secretary Jesse Robredo ang bagong tayong infirmary at isolation ward na itinayo sa annex building ng QC Jail sa tulong ng International Community of the Red Cross (ICRC). Ang ward na may 60 bilang na kama para sa mga bilanggo na may sakit na TB .

“This is what we want to have in each and every jail in the country, because while we undertake initiatives to rehabilitate our inmates, we should also focus on their health needs,” ani Robredo.

Sa simpleng seremonya, isinalin ni Pascal Mauchle, namumuno sa delegasyon ng ICRC ang nasabing infirmary at isolation ward kay Quezon City Warden Joseph T. Vela .

Ayon kay Vela ang nasabing limang kuwarto na infirmary, ay sinimulang itayo noong  December 2011,na inilalaan para sa mga pasyenteng bilanggo na tinamaan ng category 4, 2 at 1 na sakit na TB .

Magkakaroon aniya ng kanya-kanyang kama, personal na cabinet at patient seat ang  bawat pasyente  na lalagyan din ang bawat kuwarto ng kanya-kanyang kubeta , lababo, blower at 2 Ultra Violet (UV) na ilaw para maging malinis ang hangin .

Mayroon din aniyang mga nakatalagang  mga nurses ang medical office ng  QC Jail infirmary na silang mangangalaga sa mga pasyenteng may sakit at kumpleto sa medicine cabinets, comfort room, lavatory, refrigerator para sa mga gamot , water dispenser, executive chairs, push cart for medicines at UV lights para maprotektahan ang mga personnel na mahawaan ng PTB bacilli.

Sa kasalukuyan, umaabot sa 2,800 ang bilang ng mga bilanggo sa piitan kung saan 144 sa mga ito ang kumpirmadong tinamaan ng sakit na TB.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply