Ramon Tulfo at ang kalayaan sa pamamahayag

WALANG gusot na nangyari sa pagitan nina Inquirer Columnist Ramon Tulfo at mag-asawang Raymart at Claudine Santiago kung ‘di gumampan ng tungkulin ang una.

Derpor, work connected ang kaso ni Mon laban sa mga Santiago na may iba pang mga kasamang nambugbog sa kanya sa walang kasegu-seguridad na Ninoy Aquino International Airport.

Kahit sinong batang media, may tungkuling kunin ang mga balitang gaya ng naganap sa airport.

Away, Suki, ng pasahero at airline ang naganap at napakasensitibo ang ganitong pangyayari.

Umano, nadatnan ni Mon na pinagmumura ng isang magandang babae ang isang tauhan ng airline at astig na astig sa pagsasabing tawagin umano ang may-ari ng airline para iharap ang problema.

Nawawala kasi umano ang isa o ilang bagahe ng pasahero at parang nagwawala ito.

oOo

Ang ganyang pangyayari, Suki, ay talaga namang kokoberan ng mga batang media sa anomang paraan gaya ng paggamit ng selpon o kamera o video gaya ng ginawa ni Mon.

Dito na napansin ng mga Santiago si Tulfo at doon nagkagulo sa rason ng una na huwag nang pansinin ang  pangyayari.

Pero para sa atin, ang NAIA ay pampublikong lugar na napakasensitibo.

Lahat ng mga pangyayari riyan ay lantad sa mata ng media at publiko at sino ang makapagsasabing hindi pa-nganib sa airport ang insidente?

Eh tungkulin ng media na iulat ang mga awayan sa ganyang lugar upang matawagan ang atensyon ng management na sa pinakamabilis na panahon, dapat itong umaksyon.

May nagsasabing pupuwedeng ituring na pribado ang pangyayari.

Pero pupuwede bang gawing pribado ang pagtatalak sa airport lalo’t pablik person pa ang magdyowang Santiago?

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply