Rape tanggalin sa immunity list — ALAM

DAPAT nang simulan ng gobyerno ang pagrebisa sa lahat ng international agreements on diplomatic immunity, ito ang pahayag ni Alab ng Mamamahayag (ALAM) President Berteni Causing.

Ani Causing, kahit man lamang ang panggagahasa ay dapat na maalis sa immunity ng mga diplomat dahil wala naman itong kinalaman sa kanilang posisyon.

Nasisiguro aniyang lahat ng bansa ay sasang-ayon na alisin ang panggagahasa sa immunity ng mga diplomat.

Ani Causing, hindi na dapat maulit ang naganap kay “Pamela” dahil lalo lamang bumababa ang pagtingin ng ibang nasyon sa ating kababaihan.

Ayon naman kay ALAM Chairman Jerry Yap, sa pagpayag nating makatakas si Panamanian diplomat Erick Rayneldo Bairnals Shcks dahil sa diplomatic immunity, para na rin nating inimbitahan ang foreigners na gahasain ang kababaihan sa bansa gamit ang kanilang diplomatic immunity.

Ani Yap, dapat alalahanin ng Department of Foreign Affairs (DFA) na ang kanilang tungkulin ay paglingkuran ang mga Filipino at hindi ang mga foreigner na mapagsamantala.

Dagdag pa ni Yap, inabuso ni Shcks ang magandang pagtanggap at pakikisama sa kanya ng mga Filipino at nilapastangan pa niya ang soberenya ng bansa sa ginawa niyang panggagahasa sa isang walang malay na Filipina.

Kung pababayaan aniya na makalusot ito dito dahil sa immunity, asahan nang may mga susunod pang panggagahasa na gagawin ang iba pang mga diplomat sa bansa.

Aniya, karumal-dumal ang panggagahasa kaya hindi ito dapat na pinalulusot nang gayun-gayon na lamang.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply