Raymart binantaan: T3 sinabon ni Mon

SINABON nang walang banlawan ni broadcast-journalist Mon Tulfo ang tatlong nakababata niyang kapatid matapos bantaan ang aktor na si Raymart Santiago sa kanilang television show.

Ani Mon, mali ang naging reaksyon ng mga kapatid na sina  Erwin, Raffy at Ben sa naganap na insidente kaya pinagalitan niya ang mga ito.

Wala aniya sa isip niya ang pagganti kaya pinaliwanagan niya ang mga kapatid.

Inihingi na rin ni Mon ng pasensya ang mga kapatid sa publiko dahil bugso lamang aniya iyon ng damdamin dahil siya ang pinakamatanda sa magkakapatid at nagsilbing magulang sa kanila noong nag-aaral pa.

Pero kahit aniya hindi niya kinukunsinti ang pagbabanta ng T3, itutuloy pa rin niya ang kaso laban kay Raymart at sa misis nitong si Claudine Barretto para hindi na nila ito ulitin.

Kitang kita aniya kung paano ang ginawa nilang pang-aapi sa mga pobreng empleyada ng Cebu Pacific at ang panununtok sa kanya.

Matatandaang nagpang-abot sina Mon at Raymart noong Linggo sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 nang kunan ni Mon ng video si Claudine habang minumura ang ground stewardess ng Cebu Pacific.

Iimbestigahan naman ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang programa ng Tulfo brothers matapos bantaan ang mag-asawang Santiago.

Ayon kay Atty. Eugenio ‘Toto’ Villareal, board member ng MTRCB, nagulat sila sa ginawa ng tatlong pagmumura at pagbabanta sa kanilang programa.

Susuriin ng MTRCB Legal Department ang nasabing programa.

Kapag may nakita silang paglabag ay posibleng masuspinde o makansela ang programa ng magkakapatid.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply