Recess paikliin, trabaho pahabain — Solon

UMAPELA si Kabataan Partylist Rep. Raymond Palatino sa liderato ng Kamara na paikliin ang kanilang recess at pahabain ang panahon ng trabaho para maging mas produktibo sa lehislasyon.

Giit ni Palatino na nakukulangan na siya sa trabaho dahil sa haba ng kanilang bakasyon bukod pa sa palaging problema ang kawalan ng quorum sa plenaryo kaya madalas na maikli ang sesyon.

Tinukoy ng kongresista ang 46 na araw nilang recess bago nagbalik ang sesyon noong Lunes subalit muli na naman silang mag a-adjourn sa Hunyo 7.

Dagdag pa ni Palatino, nasa section 69 ng rules ng Kamara na dapat silang magsesyon tuwing alas-kwatro ng hapon ng Lunes hanggang Huwebes at alas diyes ng umaga naman tuwing Biyernes.

Ngayon aniya ay hanggang Miyerkules lamang ang sesyon sa Kamara samantalang binibigyan ang bawat kongresista na paglingkuran ang kani-kanilang distrito tuwing Huwebes at Biyernes.

Inoobliga rin ni Palatino ang Kamara na disiplinahin ang mga kongresista na tamad dumalo sa mga committee hearing sa pamamagitan ng pagtatanggal sa kanilang committee membership.

Nakasaad aniya sa Section 36 ng House Rules na ipapataw ang ganitong parusa kung ang isang kongresista ay tatlong beses na hindi dumalo sa committee hearing ng walang maayos na paliwanag.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply