Registration para sa preso umarangkada na

UMARANGKADA na ang pagpaparehistro para sa mga bilanggo upang makaboto sa susunod na halalan

Ang voter’s registration ay siinimulan ng Commission on Elections (Comelec), Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) at Department of Justice (DOJ) para magamit ng mga bilanggong botante ang kanilang karapatan na maghalal ng kadidato.

Kahapon (Abril 30) ay binisita ng Comelec ang Caloocan City Jail na mayroong mahigit sa 160 inmates ang nakapiit sa naturang bilangguan.

Tatagal ang Detainee Voters’ Registration hanggang Setyembre 2012.

Samantala, inalis ng Comelec sa listahan ng partylist groups para sa May 2013 ang pangalan ng 62 organisasyon.

Batay sa 24 pahinang resolusyon ng Commission En Banc, ang naturang mga grupo ay tinanggal sa listahan dahil sa nabigo ang mga ito na
makakuha ng sapat na boto sa dalawang nakarang eleksyon.

Nilinaw naman ni Comelec Chairman Sixto Brillantes na bagama’t hindi maaaring lumahok sa 2013 elections ay maaari namang magparehistrong muli ang mga ito para sa 2016.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply