Rep. Mitos Magsaysay lumipat sa PDP-Laban

NILISAN na ni House Deputy Minority Leader at Zambales Rep. Mitos Magsaysay ang kanyang partidong Bagong Lakas CMD upang sumapi sa PDP-Laban.

Ito ay may kaugnayan sa nakatakdang pagtakbo ni Magsaysay bilang senador sa 2013 sa ilalim ng United Nationalist Alliance (UNA) nina Vice President Jejomar Binay at dating President Joseph Estrada.

Matapos ang kanyang panunumpa sa PDP-Laban, sinabi ni Magsaysay na “joining forces is a perfect opportunity to advance pro-poor and people centered programs which lie at the core of their priority programs.”

“I am very thankful for this opportunity to join the PDP-Laban party and most especially this chance offered to me by Vice President Jejomar Binay.”

Ang PDP-Laban ayon kay Magsaysay ay nagsusulong ng mga reporma sa gobyerno sa pamamagitan ng mga panukalang batas, ordinansa at polisiya na pumapabor sa mga mahihirap.

Samantala, tiniyak ng kampo ni Magsaysay na sa kanyang paglipat ng partido ay mananatili pa rin siya sa minorya sa Kamara.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply