Rep Velasco idineklarang ‘persona non grata’ ng media

DEKLARADONG persona non grata sa mga miyembro ng Alab ng Mamamahayag (ALAM) at National Press Club (NPC) si Marinduque Congressman Lord Allan Jay Velasco matapos imungkahing taasan ang multang ipapataw sa mga reporter na mahahatulan sa kasong libelo.

Ayon kay ALAM Chairman Jerry Yap,  ang mungkahi ni Velasco ay nagsasalamin ng kanyang ngitngit sa mga reporter.

Naghihiganti aniya ito dahil sa maging ang kanyang amang si Supreme Court Associate Justice Presbiterio Velasco Jr. ay hindi pinaligtas sa intriga ng librong “Shadow of Doubt” na isinulat ni Marites Vitug.

Higit umanong nagngingitngit ang mga reporter sa CALABARZON (Cavite, Laguna, Batangas, Quezon) kay Velasco at ipinakita nila ito sa naganap na talakayan noong Linggo, Mayo 20, 2012, sa Lucena City.

Akusa ng mga reporter, sobra ang pamemersonal ni Velasco sa media ngunit hindi nila ito papatulan.

Mas makabubuti na lamang aniyang ideklara na lamang siya ng ALAM at NPC na “Persona non grata.”

Hindi na aniya nila susulatin ang anumang balita tungkol kay Velasco, maliban na lamang kung hindi maganda ang ginawa nito.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply