Residente ng Tacurong City nagulat sa pag-ulan ng yelo

IKINAGULAT ng mga residente ng Barangay Poblacion Dos, Tacurong City ang pag-ulan ng yelo pasado alas-4:)) ng hapon kahapon na sinundan ng malakas na ulan at bugso ng hangin.

Nabatid sa ulat na 10 minutong umulan ng yelo na kasing laki ng butil ng mais.

Nabuwal naman ang punongkahoy at poste ng kuryente dahil sa malakas na hangin at ulan.

Gayunman, wala namang naiulat na nasaktan.

Napag-alaman na noong nakaraang linggo ay umulan na rin ng yelo na kasing laki naman ng holen sa Barangay Aringay, Kabacan, North Cotabato.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply