Reso sa operasyon ni GMA abroad ikakasa na

IKAKASA na sa Kamara ang resolusyon para igiit sa administrasyong Aquino ang hiling na pagpapagamot ni dating pangulo, ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo sa ibang bansa.

Ani House Minority Leader Danilo Suarez, hinihintay lamang nilang lumabas ang medical report para sa prognosis ng dating Pangulo kung “life threatening” ang kanyang kalagayan bago sila maghahain ng resolusyon.

Kasunod ito ng balitang nakaranas ng tila sinasakal o choking sensations si Arroyo noong nakalipas na linggo base sa isinagawang Quantum Electrochemistry Examination sa kanya.

Isang malapit na kaibigan ng pamilya Arroyo ang nagsabing lumabas sa isinagawang testing na ang titanium implants na nakalagay sa leeg ng dating pangulo ay “protruding” o umiipit sa kanyang esophagus, na sanhi ng choking sensation.

Kasabay nito ay tiwala si Suarez na hindi tatakas si GMA dahil hinarap na nito ang kaso.

Tinukoy pa ng kongresista ang ginawa ni dating unang ginoo Mike Arroyo na pinayagan ng korte na makalabas ng Pilipinas subalit bumalik din naman.

Sa usaping pinipeke ang sakit ng pangulo, sinabi ni Suarez na maipapakita naman sa peklat ni Arroyo sa leeg na sumailalim siya sa operasyon.

Banggit pa ni Suarez na wala raw doktor sa Pilipinas ang gustong mag-opera kay CGMA sa takot na ikamatay ito ng dating pangulo.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply