Resulta ng impeachment dapat igalang– ALAM

NANAWAGAN ngayon si Alab ng Mamamahayag (ALAM) Chairman Jerry Yap sa mga mamamayan na respetuhin ang resulta ng impeachment sa Senado.

Ani Yap, hindi natin dapat aksayahin ang ating oras upang ikampanya ang plastic na good governance.

Aniya, nakita na kung paano pinatunayang nagkasala si Chief Justice Renato Corona gamit ang mga Constitutional standards upang patalsikin ang isang opisyal na impeachable.

Nasaksihan din ng madla ang Constitutional processes upang mapatunayan ang malalaking krimen.

Ngayon, dapat lang na suportahan ang desisyon ng Senado upang maiangat ang sobreyedad ng demokrasya sa bansa.

Iginiit pa ni Yap na ngayong tapos na ang impeachment, dapat pagtuunan ng pansin ng gobyerno ang iba pang mga problema ng bansa tulad ng paglaganap ng droga at media killings na hindi pa nareresolba.

Paalala naman ni ALAM President Berteni Causing, sana ay maging aral sa lahat ng mga opisyal ng gobyerno ang naging desisyon ng impeachment court kay Corona.

Ngayon, pwede nang patalsikin ang kahit sinong impeachable official kung hindi sila magdedeklara ng tamang statement of assets, liabilities and networth (SALN).

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply