Rhian Ramos feel maging boyfriend si Aljur!

NAKATUTUWANG isipin na very comfortable si Rhian Ramos ngayon na kasama si Aljur Abrenica. Di kaya sila’ng mag ka-develop-an?

Nagkaroon ng friendship sina Rhian at Aljur buhat nang magsama sila sa movie na My Kontrabida Girl.

Dahil single si Rhian ngayon, gusto niya kapag nasa abroad ay laging may kasama siyang lalaki kapag siya’y lumalabas.

Eh, magkasama sila ngayon ni Aljur sa New York City para i-promote ang Pinoy TV sa Big Apple. Aasta si Rhian na boyfriend niya si Aljur kapag may pupuntahan silang dalawa. Kasama na rito ang personal appearance nilang dalawa sa New York at kapag gigimik silang dalawa sa bar o magsi-shopping kaya.

Katwiran ni Rhian, babae siya na dapat may protection kapag naglalakad. Alam niya ang buhay sa New York o sa abroad. Kapag ikaw ay nasa bar roon, dapat may kasama ka dahil tiyak na lalapitan ka ng mga guys.

Kumpleto ang pagdi-disguise ni Rhian, nagsusuot pa siya minsan ng kunwaring engagement ring.

Pero ang pagpapanggap ni Rhian na kunwari’y boyfriend si Aljur sa New York ay sinabihan na niya ang actor beforehand. Bale nagkakaalaman na sila.

Pagkatapos ng successful Hollywood Red Carpet Premiere ng The Road na ginanap sa majestic Arclight Theater in Los Angeles, California, tumungo si Rhian sa New York City para sa promo tour ng GMA Pinoy TV na kasama si Aljur. May series of shows silang gagawing dalawa roon.

Samantala, ang pelikula ni Yam Laranas na The Road ay gumawa ng rave reviews mula sa local at foreign press, lalo na ang pag-cover ng New York Times sa event. Ang The Road kasi ang kauna-unahang Pinoy movie na nagkaroon ng ganitong kalaking premiere night at ipalalabas sa buong America at Canada under Freestyle Releasing Company. Nagsimulang i-release sa America ang movie nung May 11.

Samantalang noong May 11 rin nagsimulang ire-sho- wing ang The Road sa digital theatre sa Pilipinas.

Ang mga artistang nagbigay ningning sa premiere night ng The Road ay sina Marvin Agustin, Rhian Ramos, Alden Richards and Derrick Monasterio together with GMA Films President Anna Teresa Gozon-Abrogar, Freestyle Presi- dents Susan Jackson and Mark Borde, GMA Films Project Director Joey Abacan, and the film’s director Yam Laranas.

Dumating din sa okasyon si Congressman and boxing’s Pound-for-Pound King Manny Pacquiao. Nasa preem night rin si MTRCB Chair Grace Poe-Llamanzares, GMA Entertainment TV Vice President Marivin Arayata, GMA Entertainment TV Asst. Vice President Redgie Magno, GMA Corporate Communications Asst. Vice President Angel Javier-Cruz, and host Tim Yap.

Pagkatapos ng premiere night ng The Road, may party na ginanap sa The Lure, a club beside Archligh Theater.

Bago ang preem night, ang  GMA Films and Freestyle Releasing ay nag-hold ng press conference last May 8 sa Bar -rio Fiesta Restaurant in Glendale, Los Angeles na dinaluhan ng mga representative from US-based Filipino media outfits.

000

MAGANDANG balita sa mga tagasubaybay ng Valiente ng TV5. Ang soap opera na kinagigiliwan ninyo tuwing gabi pagkatapos ng Wil Time Big Time ay exrtended pa ng four weeks sa ere dahil parami nang parami ang nawiwiling panoorin ang soap na isa sa pinakamagandang nagawa ng Kapatid Network. Mapanonood ang soap opera hanggang June 29. Tampok rito sina JC de Vera, Oyo Boy Sotto, Nadine Samonte, Jaclyn Jose, Tirso Cruz at Michael de Mesa. Ito’y sa direction ni Joel Lamangan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply