Rhian Ramos friends lang sina Aljur Abrenica, KC Montero at Jeric Lacson

NAGSALITA na rin si Rhian Ramos sa mga lalaking pilit na inili-link sa kanya ngayon na sina Aljur Abrenica at KC Montero. Kasama rin rito ang napababalitang ka-on daw niya ngayong anak ni Sen. Panfilo Lacson na si Jeric.

Na-interview ng press si Rhian sa send-off presscon para sa grupo ng The Road movie na kinabibilangan nina Rhian, Marvin Agustin, Alden Richards, Lexi Fernandez at Derrick Monasterio.

Magkakaroon ng premiere night ang The Road movie ng GMA Films sa Arclight Cinemas, Los Angeles, California para sa regular showing ng movie sa North America (US at Canada) sa May 9. Regular showing ay sa May 11 sa iba’t ibang sinehan sa USA.

Ipalalabas muli ang movie sa mga digital cinemas sa bansa simula sa May 9.

Alam ba ninyo sa mga trailer ng movie na ipalalabas sa America, nanguna ang The Road sa mga naiki-click sa mga website? Kaya ngayon pa lang ay marami ng nag-aabang dito sa America lalo na’t may tema itong horror-drama na siyang napapanahon kahit saang bansa.

Sa pakikipanayam namin kay Rhian, nasabi niyang hindi pa siya ready na umibig muli. Nakikipagkaibigan siya sa boys ngayon para lang protection niya kapag lumalabas siya. Ayaw niyang maranasan ang anumang untoward incident sa tulad niyang isang dalagang Filipina kapag nasa public places.

Kung nakikita naman silang lumalabas ngayon ni Aljur, iyon ay dahil may ipinu-promote silang produkto tulad sa darating na June 2012 ay parehong nasa Big Apple sila ni Aljur para i-promote roon ang GMA’s Pinoy TV.

Kay KC naman, may pinagsamahang event sila sa Boracay noon kaya natsismis na nagdate roon last April 2012.

Ganundin ang sitwasyon kay Jeric, ang anak ni Sen. Lacson. May mga barkada siyang mga lalaki ngayon na madalas niyang kagrupo kapag lumalabas. Bale apat na boys sila at enjoy naman siya sa kanilang company.

Ani Rhian: “Wala sa isip ko ngayon ang makipagrelasyon pagkatapos nang pangyayari sa buhay ko. (kahit di tukuyin ni Rhian si DJ Mo na rating karelasyon na may ginawang di maganda sa kanya, obvious na ito ang kanyang pinatutungkulan). Gusto ko lang ngayon ay pamilya at kaibigan. Gusto ko lang may makakausap para laging masaya.”

000

Bong Revilla naghahanda na sa ‘Indio’ soap habang lalong pinagaganda ang katawan

LAGI raw nag-e-exercise si Sen. Bong Revilla para lalong bagay ang katawan niya sa role niya sa bagong soap sa GMA7, ang Indio. Aba! first soap niya ito sa network. Gusto raw ibalik ni Bong ang dating pang-action na pangangatawan niya na hinangaan ng kanyang libu-libong fans.

Anyway, kapag Sunday naman ay ipinakikita ni Sen. Bong ang pagmamahal niya sa kalikasan dahil tinatakay niya ngayon ang buhay sa ibabaw ng Earth, ang Human Planet. Kanyang tatalakayin ang nabubuhay na hayop sa Arctic kung saan sobrang lamig lahat! Paano nabubuhay ang hayop sa ganitong klima? Nakagigilalas ang istorya ng reindeer na nakalalangoy, salat sa kaalaman sa paglipad, pero nabubuhay sa malamig na Arctic.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply