Motorsiklo vs taxi: 1 todas, 1 sugatan

PATAY sa malagim na aksidente ang isang motorcycle rider habang nasaktan naman ang kaangkas nitong babae nang salubungin nila ang taksing pagarahe na sa tinaguriang ‘killer highway’ sa Quezon City kaninang madaling araw.

Dead on the spot sanhi ng tinamong kapansanan sa ulo at katawan ang biktimang si Don Vince Villanueva habang isinugod naman sa East Avenue Medical Center (EAMC) para ipagamot ang tinamong pinsala sa katawan ang biktimang si Aillen Arcega.

Pinipigil naman sa Quezon City Police Traffic Sector 6, para panagutin sa kasong reckless imprudence resulting to homicide at slight physical injury ang tsuper ng taksi na si Alejandro Cagalingan.

Sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-12:25 kaninang madaling araw sa kanto ng Commonwealth Avenue at Labayani St., sa Barangay Commonwealth, Q.C.

Ayon kay Cagalingan, pagarahe na siya nang biglang sumalubong ang motorsiklo ni Villanueva na mula sa opposite side at sumalpok sa unahang bahagi ng kanyang taksi.

Sa lakas ng pagkakasalpok, tumilapon aniya si Villanueva at humampas ang katawan sa windshield ng kanyang taksi habang si Arcega naman ay tumilapon din ngunit nasaktan lamang.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply