‘Rights against self incrimination’ ni CJ lilimitahan

KUNG hindi nakararamdam ng kaba si Chief Justice Renato Corona ay hindi rin nangangarag ang prosekusyon sa anumang magiging testimonya ng punong mahistrado.

Binigyang diin ni CIBAC Partylist Rep. Sherwin Tugna na handa na ang kanilang grupo sa paglilitis kasama ang kanilang mga pribadong abogado.

Nakakasa na rin aniya ang mga tanong na maaaring igiit kay Corona oras na payagan na ang kanilang pagsasagawa ng cross examination.

Itinuturing ng prosekusyon na makasaysayan ang paglilitis ngayong hapon dahil ito ang kauna-unahang pagkakataon na mismong ang nasasakdal ang haharap sa impeachment court upang idepensa ang sarili.

Sa kabilang panig, sinabi ni Prosecution spokesman at Aurora Rep. Sonny Angara na inaasahan na nila na babatikusin at ilalaglag ni Corona si Pangulong Aquino.

Nakiusap din si Angara kay Corona na huwag igiit ang kanyang “rights against self incrimination” at iba pang legal remedies sa pagsagot sa mga akusasyon laban sa kanya.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply