Rivera, Mendiola matindi pa rin ang Slalom rivalry

TULOY-TULOY ang magandang ipinapakita ni Dr. Peewee Mendiola sa 2012 Shell Helix National Slalom Series matapos niyang iuwi na naman ng titulo ng Overall Best Time and Production Series sa nakaraang karera nito noong May 13.

Nakapagtala ng best run time na 50.54s si Mendiola sa Rear Wheel Best Time category sa 4th leg ng National Slalom, na sinundan ng binatilyong si Milo Rivera na nakapagtala ng 51.51s, habang ang ama ni Milo na si Noel Rivera ay nahuli lamang ng 1.17s sa naitalang oras ng anak; nakapagtala ang nakatatandang Rivera ng 52.68s.

Si Patrick Bautista ng DKC Racing Team, na nag-uwi ng titulo ng Front Wheel Best Time of the Day, ay pasok naman sa top 4 spot, sa naitala niyang 53.56s, habang si Estefano Rivera ng FERN C racing ay pasok top 5 matapos niyang magtala ng 55.16s sa Novice Best Time of the day.

Ang 4th leg ng National Slalom ay ginanap sa SM Southmall sa Las Piñas at pinangungunhan ng RACE Motorsports Club. Suportado ito ng SHELL HELIX MOTOR OILS ,FEDERAL TYRE,OUTLAST BATTERY, STOP LIGHT TV,  PINOYSPEED SA TABLOID, STARBRIGHT BODY KITS, DUBSHOP,SILVERWIND MAGWHELLS, AUTO TRANSPORTER, C MAGAZINE, WWW.AUTO INDUSTRY.COM,KOTSE.COM,SM SOUTHMALL LAS PINAS CITY at SM SUPERMALLS. Ang ikalimang round ng Slalom ay gaganapin sa July 10 sa Robinsons Nova Market.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply