Robin Gibb ng ‘Bee Gees’ pumanaw na

SUMAKABILANG buhay na si Robin Gibb, miyembro ng legendary group na Bee Gees dahil sa colon at liver cancer.

Ayon sa ulat, matagal ding nakipaglaban si Gibb sa naturang sakit. Ang 62-anyos na singer ay namatay pagkatapos sumailalim sa intestinal surgery at tamaan ng pneumonia.

Sa pahayag na inilabas ng pamilya ng singer at Bee Gees, sinabi na labis ang kanilang pagdadalamhati sa pagkamatay ni Gibb at humiling ng privacy.

Na-diagnose si Gibb sa sakit na colon at liver cancer noong 2010. Ilang beses na din siyang naospital.

Taong 1994 nang mapabilang si Gibb sa Songwriters Hall of Fame at sunod namang nalagay sa Rock and Roll Hall of Fame ang banda.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply