Rocco Nacino malabong sumikat!

TALAGANG sobrang namangha ang kaibigan naming si Roldan F. Castro at isang kaibigan nito na taga Davao sa bonggang pagtatanghal at ipinakitang gilas ng mga guwapong modelo at mga macho dancer ng White Bird Entertainment Bar riyan sa may Baclaran, Parañaque City.

Karamihan kasi sa mga dancers ng White Bird na nagtanghal ay ang mga guwapong pinanonood naming dating pa-whole-some. Siguro sa tindi ng competition ngayon ng mga Gay Bars lalo na’t dikit-dikit na ang mga ito riyan sa may Baclaran kung kaya siguro naisip na rin ng management na mas lalo pang tapangan ang kanilang show.

And with that, ngayon palang sobrang abala na ang mga taga-White Bird sa paghahanda para sa kanilang ika-12th year anniversary ngayong May 28, 2012.

Siguradong mag-iinit na naman ang tumbong ng mga kapatid nating baklush sa mga guwapong otuko na rarampa sa WB. Para sa mga detalye, i-txt lamang si Mama Gretta Locca sa kanyang cell #09217405735.

oOo

SOBRANG nanghinayang daw itong si Derek Ramsay sa paghihiwalay nilang dalawa ng ex-GF n’yang si Angelica Panganiban. Ayon pa sa Hunk actor, maging ang kanyang pamilya raw at mga kamag-anak ay apektado rin sa hiwalayang Derek at Angelica. Well, may koneksyon kaya ang paghihiwalay nila sa pelikulang ginawa ng Star cinema with Panganiban and Piolo Pascual?

Ano sa tingin n’yo dear readers? May koneksyon ba ang nangyari sa ginawang tandem na ito ng ABS-CBN?

At sa bandang huli, mga fans na naman nang dalawa ang nag-a-adjust para sa kanilang idolo. Hindi kaya magselos ang mga fans nina Derek at Angelica P. kay Papa P.?

oOo

NADISMAYA lang talaga ang mga fans ng batang actor na si Rocco Nacino. Hindi kasi sinipot nito ang guesting n’ya sa B’day Show ng talent-manager na si Lito de Guzman sa Circo, Thomas Morato, Q.C. noong May 10, 2012.

At noong makarating sa mga may-ari ng Circo na malabo nang makarating si Nacino, kaagad na pinatanggal ng mga ito ang namesung ng batang actor na nakalagay sa banner.

Ang rason ng taga-GMA, partikular sa isang Darell na siyang handler yata ng aktor, naipit daw sa isang taping ang batang aktor. Dahil sa pambibitin na ito ni Rocco sa Circo, malamang na matatakot na rin ang mga may-ari nito na magtanghal ang actor sa nasabing bar.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply