Roderick Paulate, Calalay kinasuhan ng katiwalian

DALAWANG konsehal ng Quezon City ang kinasuhan ng katiwalian sa Ombudsman na kinabibilangan nina actor politician Roderick Paulate at Francisco Calalay.

Ang kaso ay nag-ugat sa reklamong inihain ng whistle blower na si Mr. Jimmy Lee Davis sa pamamagitan abogado nitong si dating Sen. Aquilino Pimentel Jr. matapos makakuha ng mga ebidensiyang nagpapatunay na nagkaroon ng kani-kanilang ghost employees sina Pulate at Calalay.

Sabit din sa kaso ang kani-kanilang liaison officers na kinabibilangan nina Flordeliza Alvarez at Vicente E. Bajamunde.

Ang mga nasabing “ghost employees” ay tumatanggap umano ng P2,500 hanggang P5,000 bawat isa kada buwan.

Lumitaw sa imbestigasyon ng Field Investigation Office ng Ombudsman na ang sinasabing ghost employees na nasa listahan ay pawang walang birth certificates sa National Statistics Office (NSO) at hindi rin mga rehistradong botante at hindi rin kilala sa mga ibinigay na address sa mga barangay sa lungsod Quezon.

Sa loob aniya ng January hanggang November 2010 ay nakapagpasahod ng may P2,175,000 si Calalay sa kanyang idineklarang 29 ghost employees, habang si Paulate naman na may 30 ghost employees ay nakatanggap ng P1,125,000. mula July hanggang November 2010.

Dahil dito, nahaharap sa mga kasong malversation of public funds through falsification of public documents,  violation  of sec. 3(e) of RA 3019 at mga kasong administratibo na grave misconduct, serious dishonesty at falsification of official documents ang dalawang konsehal at kanilang liaison officers.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply