Rodman hinatulan ng korte

NASENTENSIYAHAN si dating NBA star Dennis Rodman, kilala sa kanyang off-court antics, ng may 104 na oras na community service at tatlong taon na probation kahapon dahil sa kabiguan nitong suportahan ang sariling anak.

Si Rodman, 51, ay guilty sa four counts ng contempt noong nakaraang taon sa kabiguan niyang magpadala ng tamang sustento sa anak.

Pinayuhan ni Orange County Superior Court Commissioner Barry Michaelson si Rodman na gamitin ang kanyang husay sa basketball sa mas makabuluhang layunin habang nakasentensiya siya.

“My suggestion is to use your talents as a motivator, as a fine, fine athlete and as a fine person to assist others in need,” ayon kay Michaelson.

Tatlong taon ang probation ni Rodman sa kondisyon na mananatiling susuportahan niya ang ‘spousal and child payments’ na iniatas sa kanya.

Habang aminado naman si Rodman na wala na siyang malaking kinikita hindi tulad noong nasa NBA pa siya, aniya, may mga laro pa siyang tinatanggap mula sa Asya at Europa na “making enough to keep everyone satisfied.”

Nagwagi si Rodman ng tatlong NBA titles sa Chicago Bulls at dalawa sa Detroit Pistons at naglaro rin sa San Antonio, Dallas at Los Angels Lakers. Itinanghal pa siyang Basketball Hall of Fame noong nakaraang taon.

Nakatira ngayon sa Florida, si Rodman ay sandali lang ikinasal sa modelo at aktres na si Carmen Electra at maging kay Madonna, plano niyang bunuin ang community service sa kanyang lugar sa Florida.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply