Rolbak ipinatupad ng 6 na kompanya ng langis

NAGPATUPAD ng bawas presyo sa produktong petrolyo ang anim na kompanya ng langis ngayong umaga.

Kaninang umaga ay binawasan na ng Petron, Eastern Petroleum, Sea Oil at Shell ng 70 sentimos ang presyo ng kada litro ng kanilang gasoline.

Nagtapyas naman ng 90 sentimos ang kada litro ng regular na gasolina, 60 sentimos naman sa kada litro ng diesel at 50 sentimos naman ang iminura ng kerosene.

Kagabi (Mayo 7), una nang nagbawas ng 70 sentimos sa presyo ng kada litro ng gasolina at 60 sentimos sa diesel ang PTT Philippines Corporation.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply