Rolbak sa presyo ng langis ipinatupad

NAGBABA na naman ang presyo ng produktong petrolyo ang ilang kompanya ng langis kaninang hatinggabi.

Ayon sa report, dakong alas-12:01 kaninang hatinggabi ay nagtapyas ang Petron at Seaoil ng 65 sentimos sa presyo ng kada litro ng premium, unleaded at regular gasoline, 40 sentimos sa kerosene at 30 sentimos sa diesel.

Nag-rollback din ang Shell at PTT ng 65 sentimos sa kada litro ng regular gasoline at 30 sentimos sa diesel.

Maging ang Shell ay nagbawas ng 60 sentimos sa kanilang premium at unleaded gasoline habang 40 sentimos sa kerosene.

Nagbawas din sila ng 40 sentimos kada litro sa diesel habang 70 sentimos naman kada litro ang ibinawas sa presyo ng gasolina ng Eastern Petroleum.

Nagtapyas naman kaninang alas-6:00 ng umaga ang Phoenix Petroleum ng 60 sentimos kada litro ng gasolina at 30 sentimos sa diesel.

Nagbaba naman ng 30 sentimos ang kada litro ng diesel ng Total, 65 sentimos sa premium, unleaded at regular gasoline.

Matatandaang noong Biyernes pa nagbababa ng presyo ng mga produktong petrolyo ang mga kompanya ng langis dahil umano sa pagbaba ng presyo nito sa pandaigdigang merkado.

Unang nagbaba ang Unioil ng 70 sentimos kada litro ng premium at unleaded gasoline at 40 sentimos sa diesel noong Linggo.

Nagpatupad na rin sila ng bigtime rollback na sanhi ng pagbaba ng minimum fare sa jeep mula P8.50 sa P8.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply