Roseanne Magan binigyan ng GMA7 ng exclusive five- year contract

MALUHA-LUHA si Roseanne Magan nang ikuwento sa amin sa set ng “Biritera” na siya’y pinapirma na ng GMA-7 ng exclusive contract for five years.

Ang pagluha ni Roseanne ay bunga ng katuwaan sa ibinigay na importansiya sa kanya ng network na nagbigay sa kanya ng magandang break via Biritera. Sa soap nakilala ang kagalingan niya sa pag-arte. Mismong ang director nitong si Maryo J. delos Reyes ay natuwa sa performance na ibinigay ng batang aktres sa Biritera.

Type nga ni Direk Maryo na pagsamahin sina Roseanne at ang bida ng Munting Heredera na si Mona Louise Ray para sa isang soap (Pero ‘di pa raw sa ngayon ito magaganap dahil ang next assignment ni Direk Maryo ay ang napababalitang balik-tambalan nina Kris Bernal at Aljur Abrenica sa soap na Sana’y Dalawa ang Puso Ko. Sabi-sabi, ang makakasama nina Kris at Aljur sa soap ay si Rhian Ramos).

Nang pumasyal kami sa set ng Biritera last Friday evening, nakita talaga namin ang tunay na sunud-sunod na pagluha ni Roseanne. Walang tapid na luha ang ibinibigay niya sa set. Titiigil lang siya sa pag-iyak kapag sinabi ng assistant director na cut.

Ayon kay Roseanne, na nakausap agad namin pagkatapos ng take, at least tuwing taping ay may dramatic scene siyang ginagawa. Isang tuhog na ekseang iyakan lang ang ginagawa niya tuwing taping. The rest naman ay simpleng eksena lang naman, kaya ‘di siya napapagod sa iyakan. ‘Di naman siya sinasagad sa mga eksena niya. May iba pa nang co-stars siyang kinukunan sa bawat eksena. Dahil bida siya, laging maraming eksena siyang ibinibigay sa set para kunan.

000

MASARAP kahuntahan si Ellen Adarna kapag napunta kami sa set ng Bubble Gang tuwing Monday night. Wala kasi siyang inililihim hinggil sa kanyang buhay. Tulad na lang ng pagpapa-enhance niya sa kanyang boobs.

Nasabi ng January 2012 cover girl ng FHM na maraming nagawang magandang pangyayari sa buhay niya ang pagpapaganda ng boobs niya.

Una’y naging talk of the town ang cover niyang ng FHM. Marami ang nakapansin sa kanya kaya may schedule siya ngayong Mayo ng pictorial para maging endorser ng mga produkto nang Asia Brewery.

Bukod pa rito’y lumalaban daw ngayon si Ellen para matanghal na Sexiest Women ng FHM for 2012.
Marami ang bumoboto sa kanya kaya laking pasalamat ni Ellen sa kanyang mga fans.

Ngayong Friday sa Bubble Gang, tampok ang gags sa Stacruzan. Siyempre, isa sa sasagala si Ellen.
Panauhin naman sina Ehra Madrigal, Betong at Jacky Woo. Siyempre, ‘di mawala ang portion na Boy Pick Up ni Ogie Alcasid at ang Cheche Bureche nina Ogie at Michael V.

000

HABANG tumatagal ang Face To Face sa ere, lalo namang nakagugulat ang mga tinatalakay na istorya sa programang ito na hosted by Amy Perez. Nagiging in demand ang show dahil sa mga unusual love stories sa nangyayari sa mga pangkaraniwang mamayan.

Tulad sa tatalakaying istorya na si Ate, mas malikot pa raw sa tuta at mas Makati pa sa gabi.
Mismong bayaw niya ay inakit at kinalantari.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply