RR Enriquez may anak na?

BINULABOG ni RR Enriquez ang Twitter at Facebook dahil sa post niyang, “Ok, I have an announcement to make! I’ll be a mommy na soon! I’m excited with this new chapter of my life! whew!!! I’m Ready!!!”

Ang daming nag-congrats sa kanya sa pag-aakalang buntis siya.

“Kumalma lang kayo=) kapag sinabi bang ‘Ill be a mommy soon’, ibig sabihin pregnant kaagad? Hindi ba pwedeng mag-aalaga lang muna ng baby ni JayJay? (Helterbrand, basketeer na bf niya)  hahahahaha=) kakalowkah=) OHH EMM GEE!!! to the highest level=),” sagot niya sa FB. Account niya.

“But thanks sa lahat ng nag-congrats. Pero I’m still young. Hindi pa ako magbi-baby. I’m not pregnant. Darating lang baby ni jayjay! I just said am soon to be a mommy kasi Jayjay’s daughter will stay with us. Practice mommy -mommyhan lang hahaha.”

“Easy lang. Pag 31 ako, mag-baby na ako,” deklara pa niya.

Nakagawa si RR ng indie movie na DYAGWAR (Havey o Waley?) at abala siya ngayon sa marami niyang negosyo.

Talbog!

-0o0-

NA-TOUCH ang isang movie scribe nang magsalita at kumanta si Jiro Manio sa kanyang 20th birthday party na ginanap sa Studio 56 Garden Resort sa may Pansol, Laguna na pag-aari ng kanyang manager na si Direk Maryo J. delos Reyes.

“Lahat ng pagpapagod, lahat ng efforts… pipilitin kong ibalik sa inyong lahat,” deklara ng award winning actor na ngayo’y humihingi ng second chance sa industriya after na makalabas sa rehabilation center.

Ano ang birthday wish niya?

“Ang wish ko sa sarili ko yung hindi ako magbago. Lagi akong sumunod dun sa mga tao na nagturo sa akin.”

“Nagpapasalamat ako… mga maliliit na bagay na natatanggap ko sa mga taong nagmamahal sa akin.”

Nabalitaan din namin na hiwalay na si Jiro sa ina ng kanyang  dalawang anak.

Nakatakda siyang mapasali sa isang reality show ng ABS-CBN 2.

“Meron kaming… yung I Dare You,” kuwento niya na kung saan ay magkakaroon ng second season ang programa ni Jericho Rosales.

Balita rin namin ay magkakaroon siya ng pelikula na base sa pinagdaanan niyang bisyo at karanasan niya sa buhay.

-0o0-

ANG cute at paboritong kaibigan ng lahat na si Wako Wako ay magbibigay ngiti sa lahat ng Davaoeños as kanyang pagbisita sa ating mga Kapamilya roon kasama ang iba pang mga Kapamilya stars sa May 12, 2012 (Sabado), alas-tres sa Abreeza Mall, Davao City.

Dadalo si Wako Wako kasama ang kanyang best friend na si Muymuy, na ginagampanan ni Yogo Singh, kasama sina Liezel Garcia at Maricar De Mesa. Dagdag pa rito, bibigyan ng tyansa ni Wako Wako ang mga audience na makapag- palitrato kasama siya sa bawat laruang ido-donate sa e-Media ng ABS-CBN Foundation.

Magsasaya kasama ni Wako-Wako at ng kanyang mga kaibigan ay ang mga bituin ng iba’t ibang Kapamilya shows. Sina Whitney Muñoz at Maximillo Mariano ng hit serial teen comedy show na Luv U, na ginagampanan nina Kiray Celis at Rhap Salazar ay makikisaya din. Kasama pang magbibigay ng tawanan sa entablado ang PBB Housemate turned Actress/Comedienne Melai Cantiveros.

Sa pagtupad ni Wako Wako sa mga hiling ng ating mga Kapamilya sa Davao, maaari ring matupad ang iyong hiling! Sali na sa Dear Wako, ano ang wish mo? promo! I-send lamang ang iyong hiling sa dearwako@bidabestkid.com o ihulog sa mga dropbox sa ABS-CBN. Maaari ring i-upload ang inyong video sa official Wako Wako Facebook fan page (facebook.com/wakowako.tv). Hanggang May 11, 2012 na lang ito, kaya ano pang hinihintay mo? Wish na!

Tunay na mag-eenjoy si Wako Wako at ang kanyang mga kaibigan kasama ang mga Kapamilya sa Davao. ‘Wag na ‘wag palampasin ang espesyal na treat na Luv U Wako Wako Toda Max na ‘to, mga Kapamilya! ‘Wag ding kakaligtaang manuod ng Wako Wako, mula Lunes hanggang Biyernes, alas-singko ng hapon pagkatapos ng PBB Teen Edition 4 Uber 2012.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply