Ruffa Gutierrez, iba pa kinasuhan ng libel ni Amalia Fuentes

SINAMPAHAN ng kasong libelo ng beteranong aktres na si Amalia Fuentes ang beauty queen-actress na si Ruffa Gutierrez kabilang ang ilang publisher, reporter at ilang editor ng isang tabloid sa Quezon City prosecutor’s office ngayon.

Maliban kay Ruffa kinasuhan ang writer ng Abante Tabloid na si Allen Diones at executives editors na sina Janet Bay, Allan Macasaet, Nicolas Quijano Jr., Jesus Galang, Randy Hagos, Ron Tamayo, Jorge Punzalan at Lino Menor.

Pasado alas-3:00 ngayon ng dumating sa Quezon City Hall of Justice si Fuentes at kanilang isinumite ang complaint-affidavit na sinumpaan sa tanggapan ni administering prosecutor Zenaida Ambay-Abad.

Ang nasabing kaso’y nag-ugat dahil sa tweet (Twitter message) ni Gutierrez, o Sharmaine Ruffa Rama Gutierrez sa tunay na buhay, ng Derby St., White Plains, Quezon City, na naka-poste noong April 14, at nai-published sa article ni Diones sa Abante noong Abril 16.

Ayon kay Fuentes, masyadong negatibo ang mga tweet ni Gutierrez tungkol sa kanya matapos siyang tawaging isang matanda at pathetic na babae na inilabas din sa naturang tabloid.

Dagdag pa ni Fuentes na noong Abril 17, ay napanood niya sa programang TV Patrol ng ABS-CBN ang isang panayam kay Gutierrez .

Ayon pa sa reklamo ni Fuentes bagamat hindi aniya sinabi sa tweets ni Ruffa Gutierrez ang anumang pangalan, malinaw aniya na siya ang pinatutungkulan sa interview at kung saan binanggit naman sa article ni Allan Diones ang kanyang pangalan na pinatungkulan ni Ruffa sa kanyang mga tweet.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply