Ruffa Gutierrez na food-poison

NA-FOOD poisoning ang aktres na si Ruffa Gutierrez nitong Sabado ng gabi (Mayo 19).

Dahil dito, hindi nakasipot ang dating beauty queen at tv host sa kanyang showbiz oriented talk show kaninang tanghali dahil nanghihina pa ito dahil sa pagkalason.

Sa kasalukuyan, nagpapahinga na lamang ang anak ni Annabelle Rama sa bahay at kapag nakabawi ng lakas ay aarya na ulit sa kanyang trabaho.

Sa kanyang Twitter account, sinabi nito na nalason siya kagabi pero hindi naman idinetalye nito kung anong pagkain ang nakalason sa kanya.

Kaagad naman ni-rescue si Ruffa ng kanyang inang si Anabelle Rama na humalili dito bilang host sa nasabing tv program.

Sinabi ni Ruffa na kahit tinalakan siya ng ina pagkagising nya kaninang umaga, nagpapasalamat pa rin ito na sinagip siya nito sa kanyang obligasyon.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply