Runway 06 ng NAIA isasara bukas, Biyernes

PANSAMANTALANG isasara ang 300-metrong bahagi ng runway 06 sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa Biyernes ng madaling-araw para sa pagpapalit ng bagong “threshold lighting systems” na tatagal ng isang buwan.

Ang pagsasara ay inihayag ng Manila International Airport Authority (MIAA) sa pamamagitan ng notice-to-airmen (NOTAM).

Ayon sa MIAA, 3, 110 metro ng runway lamang ang magagamit sa halip na 3,410 metro ng kabuuang runway.

Ang threshold lights ay ang mga nakahilerang ilaw na makikita sa taxiway perimeter bilang pang-alalay sa mga piloto.

Ayon kay Alvin Candelaria, airport operations department chief, ang malalaking eroplano na nakahimpil sa NAIA ay aalalayan sa pamamagitan ng tow trucks tuwing push back operations hanggang sa pagmamaniobra sa runway para sa paghahanda ng paglipad.

Kabilang sa mga eroplanong gagamitan ng tow trucks ay ang Boeing B747, B777 at Airbus A340.

Habang ang mga eroplanong magti-take off sa runway ay hindi na kailangan pa ng tulong ng tow truck.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply