Rural bank sa Quezon isinara dahil lugi na rin

IPINASARA ng Bangko Sentral ng Pilipinas ang New Rural Bank of Tagkawayan sa Tagkawayan, Quezon dahil sa sinasabing pagkalubog nito sa utang.

Agad na isinailalim sa receivership ng Philippine Deposit Insurance Corporation (PDIC) ang nasabing rural bank na may 14,099 hawak na accounts, habang may total deposit liabilities sa P363.44 million.

Nabatid na ang New Rural Bank of Tagkawayan ay may walong sangay sa Candelaria, Sariaya, Calauag at Lucena City sa Quezon at San Juan at Rosario sa Batangas.

Ang nasabing bangko ang pinakahuling nagsara kasunod ng kasasara lamang na Export & Industry Bank.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply