Ryan Dominguez lider na ng car theft syndicate– QCPD-anti car theft

IPINAMANA na sa nakababatang kapatid nina Raymond at Roger ang liderato ng car theft syndicate na kanilang dating pinamumunuan, ayon sa ulat kaninang umaga ng hepe ng Quezon City Police District (QCPD) Anti-Car theft unit.

Nakuha ni Ryan Dominguez, 20, ang posisyon nang magkasunod na maaresto ang kanyang dalawang  kapatid, ayon kay Superintendent Ferdinand Villanueva, na mula sa pahayag ng ilang miyembro ng Dominguez group na nadakip sa Bulacan nitong nakaraang taon.

“Based on those statements, Ryan now calls the shots,” pahayag ni Villanueva habang pinalalakas naman ng awtoridad ang kanilang kaso laban sa mas batang Dominguez hinggil sa pagpatay sa isang state witness noong nakaraang linggo laban sa kanyang dalawang kapatid at sa pagsalakay sa Malolos City nitong nakaraang Martes sa kanilang hideout.

Sinabi ni Villanueva na simula nang siya ang mamuno ng sindikato, si Ryan ay tinutulungan ng isang Eduardo Talban, suspek sa brutal na pagpatay sa isang yoga teacher.

Ang pahayag na nagtuturo na si Ryan ang bagong lider ng sindikato ay mula kina Antonio Garcia, 40; Rominck Estrella, 22; at Arnel Torres, 47, pawang residente ng Calumpit, Bulacan, dagdag pa ni Villanueva.

Maliban sa murder charges kaugnay sa pagpatay sa state witness na si Alfred Mendiola at dalawa pang kalalakihan nitong nakaraang Linggo ng umaga, isinasangkot pa si Ryan sa apat pang krimen, pahayag ng Bulacan police.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply