Ryan Dominguez nagpositibo sa droga

POSITIBO sa illegal drugs ang inarestong si Ryan Dominguez, kapatid ng lider ng Dominguez Carnap Group Syndicate na si Raymond Dominguez, matapos isailalim sa drug testing ng pulisya.

Inaresto ang suspek kasama ang tatlong kaibigan na sina Mark Mario Lacambakal, James Jimenez at Roy Blanco nang maaktuhang nagpa-pot session sa Barangay San Agustin, Malolos City kamakalawa.

Nakuha sa kanila ang dalawang sachet ng shabu, dalawang armalite riffles at dalawang kalibre .45 baril.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply