Sa break-up nina Angelica at Derek, si Sam Pinto ang hinulaang third party

MAS naniniwala kami sa nababasa ni Madam Suzette Arandela sa kanyang tarot card kaysa mga pahayag ng ilang artista na sangkot sa ilang kontrobersya. Hence, we texted the well-known psychic and feng shui expert para alamin, if not to confirm, na may third-party sa kontrobersyal na break-up na nataon naman sa promo ng pelikula nila ni Piolo Pascual, ang “Every Breath U Take” na palabas na ngayon.

Base sa reply ni Madam Suzette, gusto namin maniwalang si Sam Pinto ang ipinalit ni Derek kay Angie, “Yes na yes kay Derek.” Tiyak na tiyak ng manghuhula ang kanyang sinabi kaya kapag ganito ang klase ng pananalita nito, tiyak namin na totoo.

Marami nang hinulaan si Madam Suzette na nagkatotoo at isa rito ay ang malaking iskandalo involving Piolo Pascual na may kinalaman sa gender na nagkatotoo. Katunayan, may isang kilalang broadcaster ang umiiwas sa kanya dahil mabubuking daw ito na may chika babes aside sa kanyang misis.

Isa ang dalawa sa hinulaan ni Madam Suzette sa pagsisimula ng Year of the Water Dragon. Ito raw diumano ang taon ng hiwalayan at bilang patotoo, naganap na ang hiwalayan ng dalawa. “Hindi sila magkakatuluyan, hindi sila hahantong sa altar,” hula nito na kinontra naman ng aktor.

Aniya, malalim na ang kanilang pinagsamahan at katunayan, anim na taon ang kanilang relasyon. Kung tutuusin ay kulang na lang ang kasal para may basbas ng Simbahan ang kanilang pagsasama.

But suddenly last May 4, sa Twitter account ng aktor, nag-come out siya sa pag-amin na tapos na ang anim na taong relasyon nila ni Angie. Inamin nitong hiwalay na sila ng aktres at pinag-usapan nila ito nang matino kaya nandoon ‘yung respeto sa bawa’t isa.

Nilinaw nito ang isyu na hindi niya pinanghinayangan ang naudlot nilang relasyon ng aktres, “I loved every minute with her,” sambit nito. Puwede kayang may sawa factor between the two o baka naman gusto ni Angie na pakasalan na siya pero ayaw pa ni Derek.

Isa pang tiniyak ng aktor ay walang third-party na involved pero bakit pumapasok sa eksena si Sam? Agad nitong nilinaw na walang kinalaman si Sam sa break-up dahil nagkasama lang sila sa San Miguel Octoberfest. Kaya lang parang hindi malinaw ang kanyang mensahe, “Walang may kasalanan dito.”

Puwedeng isipin na kung may nangyari man sa kanila after the event ay walang may kasalanan dahil posibleng nakalimot sila dahil kapwa silang naka-inom. Hindi kaya ganito ang eksena? nagtatanong lang po.

Nilinaw rin nito ang isyu kina Angie at John Lloyd Cruz na ang mga kumakalat na tsika ay mga eksena lang ito sa pelikulang ginagawa ng dalawa.

“Guys pls don’t believe any of the rumors about Angel and John Lloyd. They did scenes for a movie and that’s it. That’s the truth. Tnx.” Ito ang laman ng kanyang tweet noong May 4.

***

Kaabang-abang ang Clara Sinangag Fest Tour sa mga palengke

I GOT the answer to my question sa launching ng Clara Ole Sinangag Fest regarding sa masarap na lasa ng sinangag na aming kinain sa Singapore last year dahil kanin pa lang, ulam na! Sa nasabing launching, iba-iba ang flavor ang aming nalaman na puwedeng isahog sa sinangag tulad ng Java Rice, Japanese Fried Rice, Paella Rice, Beefsteak Rice, Tocino Rice at Adobo Rice.

Invited sa launching sina Chef Sandy Daza at Chef Eugene Raymundo kasama ang kanilang guest chef, ang Junior Masterchef Grand Champion Klye Imao. On the spot ang kanilang pagluluto at kautnayan, may kontes pa na nilahukan ng ilang press.

Magkakaroon ng 100 Palengke Sinangag Cook-Off Tour nationwide para makahanap ng iba’t ibang sinangag recipes mula sa Pampanga, Olongapo, Nueva Ecija and Greater Manila Area (GMA). Tatanggap din ng mga entry mula sa Cebu at Davao at pipiliin ang mananalo sa City-Wide Sinanga Fest. Abangan ang kanilang pagdating sa paborito ninyong palengke, ‘ika nga, “Kanin Get it, Ora Mix Mo!”

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply